Part 2: Mga KATATAWANAN sa Halalan 2022

Описание к видео Part 2: Mga KATATAWANAN sa Halalan 2022

Hindi ka pa rin ba makaget-over sa mga eksena sa kaliwa't kanang Rally Proclamation?
Aba'y narito ang Part 2 ng mga MEMES sa mas lalong umiinit na kampanya sa 2022 Election!
Itong si Yorme Isko chill lang sa kanyang panganagampanya,
Sa pag-sample ng "Dying inside to hold you", walang makakawat sa kanya!

Sa pagsasayaw niya aba'y nakakapaghatid siya ng panibong pag asa sa buhay,
Dahil siya lang ang bukod tanging nakapagpapatayo ng Pilay!

Napakamot nalang nga ng ulo itong si VP Leni Robredo,
Sa kakulitan ng ilang mga taga suporta sa pag-endorso niya kay Sen Richard Gordon sa Senado!
Sana ALL Madam Kusog at direrecho!
Hmn, pro mukhang iba yata naiisip jan ng mga tao..

Eh ksi naman sen. yan pa ang napili mong palayaw....
Mahirap tuloy umiwas sa mga gustong mangantiyaw!

Pag ganitong usapang pulitika, asahan na ang mga Fake News na maglalabasan,
Kagaya ng gumawa ng clip na ito, na hindi manlang ginalingan.
Pag Fake News wala yang Pinipiling Partido,
Kagaya din ng fake post na ito na mamimigay daw ang team BBM ng Pagkain, Tshirt at 200 Piso!

Nitong nakaraang linggo nagViral itong Political Ad ni Angelica Panganiban,
Ikinumpara sa love life nya ang pagpili ng kanidadto sa susunod na halalan!
Siyempre ang kabilang partido hindi rin magpapatalo.
Si Juliana Parizcova Segovia ay to the rescue!

Kasabay nito nag-trending din ang Political Campaign na ito kasama si Sen. Imee Marcos
Ang kanyang mensahe , sa bashers at patutsada ng kalaban wag magpapapatos,
'Yun nga lang mukhang siya naman itong may pinariringgan,
Oh kayo na ang bahalang magbigay ng kahulugan!

Pinag-usapan din itong mga momshies na sina Jolina, Carla at Melay
Si Carla Team Babangon muli samantalang si Jolina naman ay Team Angatbuhay
Eh si Melay, kanino kaya susuporta?
Oh eh, hayaan na natin, suportahan nalang natin kanyang pelikula.

Talagang trending itong hataw na Dance Number ni Harry Roque
Pero sabi nila, mas bagay daw kung ang music na ginamit ay yung kanta ni Jollibee!

Kamot ulo naman ang DOH at Commission on Elections
Social distancing kasi hindi na nasunod sa mga isinagawang Rally Proclamations
Pagdating sa Health Protocols, ang pinakasumunod lang daw ay ang Team Lacson-Sotto.
The rest aba’y naggigitgitan na ang mga tao. Kaya hindi na ako magtataka kung pagtapos ng eleksyon, balik lockdown uli tayo…


Mula sa Proclamtion Rally ng Team BBM Sara, trending topic na itong si Toni Gonzaga lalo na sa Twitter,
Hanggang ngayon ay usap usapan pa rin sya matapos magresign bilang host ng Pinoy Big Brother.
But one thing we can learn from her and her friend Ms. Bianca Gonzales
Magkaiba man ang pananaw s pulitika, pagkakaiban nila hindi pa rin maiaalis.
Hindi kagaya ng kakila mo na nalaman lang na ibang pulitiko ang 'yong suportado
Abay ang tingin na sayo ay pinakamasama at pinakabobong tao sa mundo!

Let me remind you once again na walang permanente sa Pulitika!
Kaya 'wag na 'wag mong ipagpapalit ang mga kaibigan mo lalo na ang sariling pamilya.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке