It’s Showtime May 15, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime May 15, 2024 | Full Episode

Masaya ang ngiti at puno ng good vibes ang tanghali ‘pag kasama ang “It’s Showtime” family! Si Kapuso host Janeena Chan, bumisita at ipinakita ang other side n’ya as a dancer kasama ang Showtime Baby Dolls.

Bago simulan ang “Showing Bulilit,” recap muna tayo sa Random Act of Kindness ni Anne Curtis para sa mga maswerteng madlang people na bumibili ng prutas. Good job, Anne!

Good job din ang ating future movie superstars – sina Argus, Kulot, Jaze, at Kelsey – na nagpamalas ng intense acting skills. Sina Sharon Cuneta at Christopher de Leon mula sa pelikulang “Madrasta” ang peg nina Kelsey at Argus sa isang eksena. Nag-ala Marvin Agustin at Jolina Magdangal naman sina Jaze at Kulot.

Promising ang mga bagets! Kaya naman ginalingan din ng “Showtime” hosts ang panghuhula. Pero sa finale, sina Kim Chiu at MC ang umabante. Maka-perfect kaya sila sa jackpot round?

Sweet ang reunion ng mag-ex na sina Sherah at Lorenz sa “EXpecially For You.” Love story nila’y nagsimula no’ng nag-first move si Sherah. Pero dahil minor pa noon, itinago n’ya sa mga magulang at mga kapatid ang pakikipagrelasyon. Naging on-and-off ang relationship nila ni Lorenz dahil sa pagtatago.

Pero no’ng desidido na s’yang ipakilala ang boyfriend sa kanyang pamilya, hindi naman sumipot si Lorenz. Alamin kung bakit!

Hay! Sometimes, things come too late. Hindi tuloy maiwasan ang kaunting regret. Pero sa kabila ng breakup, masaya naman sila para sa isa’t-isa. Handa nga si Lorenz na tulungan si Sherah sa pagpili ng searchee na makaka-date.

Dalawang estudyante ang susubok na umabante sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Nariyan ang pambato ng University of Batangas na si Aaron Regala na kumanta ng “Ordinary People.” Mula naman sa Ateneo De Davao University, si Praise Varian na umawit ng “If I Ain’t Got You.”

Matapos ang kanilang pagtatanghal, si Aaron ang nakakuha ng mas mataas na grado at aabante sa ‘prelims’ o weekly finals sa Sabado.

#ItsShowtime
#ShowtimeKuliTanghali

Комментарии

Информация по комментариям в разработке