Paggunita sa ika-38 na EDSA People Power Revolution sinalubong ng protesta kontra ChaCha

Описание к видео Paggunita sa ika-38 na EDSA People Power Revolution sinalubong ng protesta kontra ChaCha

Pagtugon sa usaping pangkapayapaan partikular sa nakabalangkas sa Comprehensive Agreement of Social and Economic Reforms (CASER) sa halip na charter change ang ibinahagi sa kilos-protesta sa paggunita ng ika-38 EDSA People Power Revolution noong Pebrero 25.

Pinangunahan ng mga progresibong grupo ang martsa patungong EDSA Shrine bilang pag-alala sa pagkilos ng malawak na hanay ng mamamayang Pilipino na nagpatalsik sa diktadurya ni Marcos Sr.

Tampok ang panawagan laban sa isinusulong na charter change bunsod ng itinutulak na economic at political provisions tulad ng 100% foreign ownership of industries at term extension para sa mga politiko.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке