Go, inakusahan ang DSWD na namumulitika sa pamimigay ng AICS

Описание к видео Go, inakusahan ang DSWD na namumulitika sa pamimigay ng AICS

#News5OnTape | Inakusahan ni Sen. Bong Go si Social Welfare Sec. Rex Gatchalian na namumulitika umano sa pamamigay ng Assistance to Individuals in Crisis Situation #AICS.

Nakarating umano kay Go na may direktiba ang Department of Social Welfare and Development #DSWD na huwag banggitin ang kaniyang pangalan nang mag-sponsor siya sa AICS payout sa Alaminos, Pangasinan. Pinagbawalan din umano siya ng DSWD na sumama sa AICS.

Pinuna rin ng senador ang ilang buwang delay sa AICS payout sa ilang probinsya. Giit ni Go, baka sadyang iniiipit ni Gatchalian ang payout para magamit sa pulitika.

Itinanggi naman 'yan ni Gatchalian. Aniya, wala siyang balak tumakbo sa Senado.

Ipinaliwanag din ng kalihim na nagkaproblema sa kanilang financial management office at requirement na hinihingi ng Department of Budget and Management #DBM kaya hindi agad na-release ang pondong nakalaan sa AICS payout sa ilang lugar. #News5 | via Camille Samonte

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

  / news5everywhere  
  / news5ph  
  / news5everywhere  
  / news5everywhere  
🌐 https://www.news5.com.ph

Комментарии

Информация по комментариям в разработке