It’s Showtime May 6, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime May 6, 2024 | Full Episode

Feels like summer pa rin, madlang people! Enjoy-in na lang ang init ng panahon with a HOTaw dance number kasama si Jackie Gonzaga at ang nagbabalik sa “It’s Showtime” studio na si Ultimate BidaMan Jin Macapagal. Gets n’yo na kung sino ang pinakamasaya sa pagbisita ni Jin. You got it right – si Ogie Alcasid na sinakyan ang ‘pagshi-ship’ sa kanila ng Showtime family. At nagselos daw si Ogie sa chemistry nina Jin at Jackie?

uwu

Umulan ng ka-cute-an sa “It’s Showtime” thanks to our mini-thespians Argus, Kelsey, Jaze, and Kulot! Siguradong hindi mo pagsasawaan ang ‘kilig’ na eksena nina Argus at Kelsey hango sa pelikulang “Hihintayin Kita Sa Langit” nina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Nag- “Sadako” act naman sina Jaze at Kulot. Nakakata-CUTE!

Ilan lamang ‘yan sa mga featured movie scenes for today’s “Showing Bulilit.” Samantala, ang jackpot prize kaya ay mabingwit? Samahan ang mga magkakapares na sina Ogie at Ryan Bang, Jugs Jugueta at Jackie Gonzaga, Jhong HIlario at MC, Vhong Navarro at Ion Perez, Vice Ganda at Lassy, Kim Chiu at Teddy Corpuz sa fun, fun, fun hulaan this Monday!

Ikaw pa rin ang hanap ng pusang ligaw, este, pusong ligaw!

Ang haba ng ligawan pero nauwi pa rin sa hiwalayan – ito ang kwento ng ‘ex-pecial couple’ na sina Ave at Ryan. Cute ang naging courtship stage ng dalawa, with Ave making an effort to catch Ryan’s attention sa pamamagitan ng isang dummy account na may username na “pusang ligaw.” At ang first message n’ya kay Ryan? “Meow!”

Tatlong taon ang M.U. stage pero 39 days lang ang official relationship. For so many reasons, nawala ang excitement sa kanilang pagtitinginan, at pakiramdam nga ni Ryan, naging ‘trial card’ lang siya ng dating kasintahan.

Alamin ang kanilang kwento sa “EXpecially For You!”

‘Hugot’ at vocal prowess naman ang labanan sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown!”

Pride ng Batangas State University na si Dianne Padua, bigay-todo sa pag-awit ng “Banal Na Aso, Santong Kabayo.” Sweet man siya sa inyong paningin, pero pagdating sa entablado, fierce ang kanyang dating!

Palaban rin sa tanghalan ang pambato ng Pangasinan State University na si Daniel Vinluan. Pag-awit n’ya ng “Di Lang Ikaw” ay tagos sa puso, may napahugot tuloy sa “Showtime” family!

Matapos ang kanilang performances, si Dianne ay nakakuha ng grado na 92% mula kina ‘hurado’ Zsa Zsa Padilla, Jona, at Ogie. Samantala, si Mark naman ang nakakuha ng marka na 95%; siya ang pasok sa ‘prelims’ o weekly finals sa Sabado.

#KapamilyaOnlineLive
#ItsShowtime
#ShowtimeBidaAngMadla

Комментарии

Информация по комментариям в разработке