It’s Showtime May 2, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime May 2, 2024 | Full Episode

Pabago-bago na ang panahon, madlang people! Pero dito sa “It’s Showtime,” umuulan lang ng good vibes!

Speaking of pag-ulan, naging biruan ng “Showtime” family ang bahagyang pag-ulan sa Quezon City kahapon matapos ang pagkanta ni Anne Curtis kasama ang banda ni Teddy Corpuz na Rocksteddy. Kaya naman, para sa malamig na panahon, ang ating tugon: Salamat, Dyosa!

Umulan din ng kaseksihan dahil si Kapuso star Bianca Umali ang kasama natin sa HOTawan sa FUNanghalian. Kung ang puso ni Bianca ay kanyang ilalarawan, sa anong ‘temperatura’ n’ya ito maihahambing?

Bumaha naman ng ‘tears of joy’ nang ilahad ni Vhong Navarro ang kanyang ‘pagkapanalo’ sa isang matinding unos na pinagdaanan. Isang mensahe ng pasasalamat ang kanyang ibinahagi para sa mga taong hindi siya iniwan sa kanyang laban – from his “Showtime” family hanggang sa mga solid Kapamilyas, mga kaibigan, mahal sa buhay, at higit lalo na ang asawa n’yang si Tanya Bautista.

“Hayaan mong bumawi ako sa’yo sa abot ng aking makakaya, hanggang sa huling sandali ng buhay ko. Mahal na mahal kita,” ang mensahe ni Kuys Vhong para sa asawa.

Remember, there’s a rainbow after the rain, Kapamilya!

Mission accomplished si Kim Chiu para sa kanyang random act of kindness sa “Karaokids!” Ang assignment n’ya: maghanap ng madlang ‘mag-jowa’ na nagde-‘date’ at bigyan sila ng ayuda.

Na- ‘good job’ man ng kanyang “Showtime” family, hindi pa rin natakasan ni Kim ang asaran tungkol sa estado ng kanyang puso. Biro tuloy ng Chinita Princess, “Suko na ‘ko!” Alamin ang buong kwento!

Sa “EXpecially For You,” kilalanin sina Jasmine at Crisostomo. Matamis at masaya ang naging high school life ng dalawa. Pero, nang magtapos ng junior high school, napilitan si Crisostomo na lumuwas ng Maynila para maghanap ng scholarship samantalang si Jasmine ay naiwan sa Pampanga.

Sa kanilang pagkakalayo, pag-ibig ay naging mahirap abutin. Si Crisostomo, unti-unting hindi nagparamdam kay Jasmine.

Matapos ang pitong taon, ang mag-ex, sa “EXpecially For You” nag-reunion! Isang ‘kilig’ confession ang nangyari – si Crisostomo, inamin na great love at TOTGA (The One That Got Away) n’ya ang dating nobya.

Pero sabi nga nila, hindi lahat ng great love ay nagkakatuluyan. Kumilatis na lang ng ‘searchees’ upang ang madilim na mundo ay muling makulayan.

Dalawang high school dreamers ang naglaban sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Hilig ni Xai Martinez ang pagsa-star gazing. Tulad ng mga bituin, nag-shine rin ang boses n’ya sa pagkanta ng “Hanggang Ngayon” ni Kyla. Pinuri rin ni hurado Bituin Escalante ang stage presence ni Xai.

Mula naman sa Central Bukidnon Institute, si Cyd Pangca na umawit ng “Hanggang.” Solid na boses at perfect song choice ang good points niya, ayon kay hurado Dingdong Avanzado.

Samantala, masaya si hurado Ogie Alcasid na makita ang magandang kinabukasan ng OPM dahil sa mga talentadong kabataan tulad ng mga TNT contenders.

Sa huli, si Cyd ang nakakuha ng grado na 96.3% at siya rin ang pasok sa ‘prelims’ o weekly finals sa Sabado. Samantala, 93.7% ang marka na nakuha ni Xai.

#KapamilyaOnlineLive
#ItsShowtime
#ShowtimePanahonNgSaya

Комментарии

Информация по комментариям в разработке